INOOGAG TALAGA TAYO NG CHINA

NATATAKOT ang mga lider ng ating bansa na banggain ang China dahil wala tayong kalaban-laban pagdating sa kanilang military might, hindi lamang sa bilang ng mga sundalo nila kundi sa kanilang ­kagamitang pandigma.

Isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit patuloy tayong ­ginagago ni Xi Jinping sa loob ng ating ­territorial waters, hindi lamang sa West Philippine Sea (WPS) tayo sinusubukan kundi sa mismong domestic waters na natin.

Noong Pebrero 29, 2022 pumasok ang spy ship ng China sa Sulu Sea nang walang paalam at nagtambay pa ng ilang araw kahit binalaan na sila ng mga otoridad natin na ilegal silang pumasok sa ating teritoryo.

Hindi maituturing na innocent passage lang ang ginawa ng China dahil itinaon nila ang pagpasok sa domestic waters natin habang nagsasagawa ng joint military exercises ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Amerika.

Ang hindi agad pag-alis ng spy ship ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) sa domestic waters natin ay indikasyon na hindi tayo iginagalang sa loob ng ating territorial waters.

Kung talagang innocent passage lang ang kanilang ginawa, isang warning lang ay aalis na sila pero tila tinapos muna ang joint military exercises ng Pilipinas at Amerika bago sila umalis.

Puwede ring sinusubukan ng China kung gaano katatag ang border security natin para sa mas malaking hakbang na gagawin nila sa Pilipinas.

Tandaan natin na hindi overnight ang paghahanda sa isang military activities ng isang bansa. Ang Russia, sampung taon nilang plinano kung papaano atakehin ang Ukraine.

Lalong nagiging agresibo ang China sa WPS lalo na sa Bajo de Masinloc na kilala ding Scarborough shoal sa Zambales dahil inilagay nila sa panganib ang BRP Malabrigo (MRRV-4402) ng Philippine Coast Guard na nagpapatrulya sa loob ng ating territorial waters.

Sa lawak ng karagatan, hindi katanggap-tanggap na tumbukin ng barko ng China ang BRP Malabrigo sa kanilang pagliko. Malamang, gusto nilang palayasin ang PCG sa ating teritoryo.

Kung ginagawa ito ng China sa PCG, paano na lamang sa mga mangingisdang Pinoy na maliliit na bangkang pangisda ang dala nila? Hindi na nga nila iginagalang ang ating mga otoridad, ang mga mangingisda pa kaya?

Lalong lumakas ang China sa nakaraang mahigit 5 na taon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang dami na nilang panggagago na ginawa sa ating bansa pero dahil wala tayong laban sa kanilang military capabilities, parang tinatanggap na lang natin.

Kahit panay ang protesta ­natin, walang silbi dahil panay ang paglabag nila sa ating soberenya.

Sana ang susunod na ­pangulo ng bansa ay magkaroon ng paninindigan at ipag­laban ang ating bansa laban sa pambu-bully ng China. Nanalo na tayo sa kaso laban sa China at kailangan lang itong sundutin para maipatupad.

Hindi puwedeng magpa­tuloy ang pambu-bully ng China at hindi puwedeng patuloy na lang tayo na magpapa-bully dahil mas malaki ang mawawala sa atin kapag nagkataon.

196

Related posts

Leave a Comment