HINDI MALOLOKO ANG MGA BOTANTE NG MGA HAKOT NA RALLY

BAGO ang lahat ay nais muna nating pasalamatan ang mga bossing dito sa Saksi Ngayon tulad nina Atty. Vic Rodriguez, Tata Rey Briones at Ms. Jo ­Barlizo dahil sa pagbibigay nila ng pagkakataon na makapagsulat ako sa pahayagang ito.

At bilang pambungad na isyu ay nais kong talakayin ang ­talamak na paghahakot ng ­ilang kampo ng mga politiko na tuma­takbo sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo, ng mga tao na binabayaran nila at isinasakay sa mga arkiladong bus para dumalo sa kanilang mga rally.

Maliwanag na ang layunin ng mga pulitikong ito ay upang palabasin na marami silang tagasuporta sa mga lugar kung saan nila isinasagawa ang kanilang musical concert rally, dahil sa sandamakmak na mga artista at mga banda na nagtatanghal.

At para makumpleto na rin ang kanilang panggogoyo ay palalabasin nila sa mga post nila sa social media tulad ng Facebook at Instagram na libo-libo ang mga tao sa lugar sa pamamagitan ng manipulasyon gamit ang photoshop application sa computer.

Pero sa kasamaang-palad ay balewala lang ang milyon-milyon na ginagastos ng mga pulpulitiko na ito na ibinabayad nila sa hinahakot na mga tao at mga artistang nagtatanghal sa kanilang mga concert.

Kung paniniwalaan kasi natin ang ilang mga data analyst tulad ni Dr. David Yap Jr. na chief data scientist ng Publicus Asia Inc., na nagsabi na ang malaking bilang ng tao na dumadalo sa mga rally ay hindi nangangahulugan na malaki na rin ang kanilang makukuhang boto.

Ipinaliwanag niya na ang totoong barometro ng sentimyento ng mga tao ay nakabase sa mga resulta ng scientific survey at hindi sa rally at maging sa mga social media engagement.

Ginamit ni Yap na halimbawa ang resulta ng pinakahuling resulta ng survey ng Publicus Asia na ginawa nitong Marso 9-14.

Sa nasabing survey, si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos pa rin ang nanguna na mayroong 55.1 ­porsyentong voter preference, samantalang nasa malayong pa­ngalawang pwesto si Leni ­Robredo na mayroon lamang 21%.

Sinundan si Leni ni Isko Domagoso na mayroong 8.2 %, Ping Lacson, 4.2 % at Manny Pacquiao, 1.8 %.

Ganito rin ang obserbasyon ni Pulse Asia executive director Anna Maria Tabunda na nagsabi naman na ang bilang ng mga taong dumalo sa rally ay bahagi lamang ng actual preference ­rating numbers ng mga kandidato.

Sa kaso aniya ni Marcos, ang daang libo na dumadalo sa kanyang mga rally ay bahagi lamang ng kanyang 55-60% na voter preference sa mga survey, habang ang bilang naman ng dumalo kay Robredo ay bahagi ng 15-20% voter preference nito.

“When you look at rallies whatever the color, it is mostly populated. The vast majority of people who attend rallies are ­already supporters of that particular candidate,” sabi niya.

“And if you consider this very important point, you realize that this isn’t for conversion primarily. It is to reinforce the base that we have a lot of people,” dagdag pa niya.

Ibig sabihin, kahit anong magic at photoshop pa ang gawin ng mga kandidato para gumanda ang optics ng kanilang mga rally ay balewala na rin sapagkat sa panahong ito na nalalapit na ang eleksyon, karamihan sa mga botante ay nakapagdesisyon na.

Kaya sorry na lang sa mga kulelat dahil tiyak na sa ­kangkungan sila pupulutin.

131

Related posts

Leave a Comment