BILANG pangako ng Bureau of Customs (BOC) na protektahan ang mga hangganan ng bansa, huli sa Manila International Container Port (MICP) sa tulong ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at Formal Entry Division (FED) personnel, ang 15 container vans ng refined sugar kamakailan.
Ayon sa initial information, natuklasan na ang subject alerted shipment ay naka-consign sa Smile Agri Ventures Inc., at sinabing naglalaman ng Silica sand.
Subalit sa isinagawang physical inspection sa Designated Examination Area, ang shipment ay natuklasang naglalaman ng refined sugar.
Alinsunod sa Sugar Regulatory Administration – Bureau of Customs (SRA-BOC) Joint Memorandum No. 4-2002, ang importasyon ng asukal ay subject sa SRA clearance bago ito ilabas mula sa kustodiya ng customs.
Sa Section 117 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), na may subject na “Regulated Importation and Exportation”, ay nakalagay na ang kalakal ay dapat sumunod sa regulasyon, ito man ay imported o exported at dapat nakakuha ng kaukulang goods declaration o export declaration, clearances, licenses at iba pang requirements.
Sa Sub-section (f) ng Section 1113 ng CMTA, ang tinutukoy na kalakal ay importasyon ngunit salungat sa batas naging dahilan para ito ay kumpiskahin.
Kaugnay nito, sa karagdagang imbestigasyon, isinailalim ang subject shipment sa kaukulang administrative proceedings, gayundin ang mga taong nasangkot, na posibleng sampahan ng kasong kriminal dahil sa paglabag sa CMTA.
Sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang MICP ay nakatuon sa pag-secure ng hangganan ng bansa laban sa agricultural smuggling at protektahan ang kapakanan ng mga konsyumer.
(JO CALIM)
198