15 KILOS NG DRIED SEAHORSES NASABAT

seahorses

MULING nakasabat ang Bureau of Customs Subport of Mactan ng 15 kilo ng dried seahorses mula sa dalawang Chinese nationals na papunta sa Macau noong nakaraang Nob­yembre 8 (Biyernes).

Ang nasabing goods ay nakita sa isinagawang x-ray examination sa pangunguna ni Mr. Frannies A. Candado, Security Screening Officer, sa Office of Transportation Security (OTS) Inline Checking Area, MCIA.

Ang physical examination naman ay isinagawa naman nina Acting Customs Examiner Pablito B. Geraldez, CIIS Officer-in-Charge Franz Angelo Munoz at ESS-CPD SAII Enrico P. Tamayo, sa harapan ni  Mr. Rene P. Amoroto, Fishery Qua­rantine Officer, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kinumpiska ang pinatuyong seahorses dahil sa paglabag sa  probisyon ng Convention on International Trade in Endangered Species, na may kaugnayan sa Republic Act No. 8550 or “The Philippine Fisheries Code of 1998”.

Ang pagkumpiska ng Dried Seahorses ay inisyuhan ng Receipt of Confiscation.

Ang mga kargamento, kasama ng dalawang suspek, ay nasa panganga­laga ng BFAR Region VII. (Jo Calim)

127

Related posts

Leave a Comment