MULING nagpalabas ng babala ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga pekeng account na nambibiktima sa mga Pilipino.
Ang BOC ay nakatatanggap ng mga ulat ukol sa mga pekeng account gamit ang pangalan at larawan ng mga empleyado ng ahensya.
Ang naturang mga pekeng account ay nagpapanggap na taga-BOC at humihiling sa mga biktima na magbayad ng fees gamit ang online payment, money remittance o bank transfer.
Ang mga opisyal ng BOC, kasama na ang BOC Customer Assistance and Response Services, ay HINDI DIREKTANG nakikipag-ugnayan sa mga tatanggap ng parcel/package sa pamamagitan ng tawag sa telepono, text message, o email.
Ito ay upang ipaalam o hilingin sa kanila na magbayad gamit ang online payment, bank deposit o money transfer para ma-release ang mga parcel/package.
Kaugnay nito, ang BOC ay nananawagan sa publiko na i-report ang katulad na mga pangyayari sa pamamagitan ng BOC hotline (02) 8705-6000 o sa sumusunod na mga social media account ng
BOC:
FB: @BureauOfCustomsPH
IG: @customs.ph
Twitter: @customs.ph
Viber: @Bureau of Customs PH
Email: boc.cares@customs.gov.ph