BOC MULING NAGBABALA VS PEKENG FB PAGE

MULING nagpalabas ng babala ang Bureau of Customs (BOC) para ipaalam sa publiko ang kaugnay sa mapanlinlang na Facebook page na may pangalang “Bureau of Customs Auction Ph”.

Pinag-iingat ng BOC ang publiko hinggil sa pagkalat ng maling impormasyon kaugnay sa auction sales ng nakum­piskang mga kalakal.

Kaugnay nito, nilinaw ng BOC na ang official Facebook page ng BOC ay “Bureau of Customs PH.”

Anomang anunsyo o updates kaugnay sa kanilang auction sales ay ekslusibong naka-publish sa official BOC website sa customs.gov.ph.

Dahil dito, hinikayat ang publiko na umasa lamang sa impormasyon na makikita sa official website para sa tama at up-to-date details kaugnay sa public auction na isinasagawa ng BOC.

Karagdagan nito, nakatanggap din ng mga ulat ang BOC hinggil sa mga indibidwal na nag-post bilang BOC employees gamit ang fake IDs para makapanlinlang ng stakeholders at general public.

Pinaalalahanan ng BOC ang bawat isa na doblehin ang kanilang pag-iingat at manatiling mapagmatyag laban sa kahina-hinalang social media pages at individuals.
Para sa mapagkakatiwaliang impormasyon, maaaring bisitahin ang customs.gov.ph, ang official website ng Bureau of Customs.

(JOEL O. AMONGO)

238

Related posts

Leave a Comment