BOC ‘PASOK’ SA FIBA WORLD CUP

HINDI man bahagi ng mandato ang paglahok sa mga paligsahan sa larangan ng palakasan (sports), pasok pa rin ang Bureau of Customs (BOC) sa ikinasang paghahanda sa nalalapit na world cup ng Federation of International Basketball Association (FIBA) na gaganapin sa Pilipinas sa Agosto.

Sa isang pulong ka­makailan, tiniyak ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang seguridad sa mga lalapag na kargamento, kabilang ang mga sports equipment na kakailanganin ng iba’t ibang koponang kalahok sa pandaigdigang palaro.

Bukod kay Rubio, kabilang din sa mga prominenteng personalidad na dumalo sa pulong sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachman, Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president George Barcelon, PhilExport president Sergio Ortiz-Luis, Director Sheila Cataloni ng Department of Finance (DOF) at Pauline Ick ng FIBA.

Bukod sa mga sports equipment, tiniyak din ni Rubio na kasamang bibigyan ng angkop na prayoridad ang iba pang logistical requirements na kailangan ng mga manlalaro at ng mismong FIBA na may palaro.
Kabilang sa mga koponang sasabak sa ikaanim na pagkakataon sa FIBA hardcourt action ang mga manlalarong kinatawan ng Pilipinas laban sa mga atleta mula sa 40 bansa.
(JOSE OPERARIO)

220

Related posts

Leave a Comment