Delegasyon, bumisita sa BOC chief MALAGONG NEGOSYO, TINIYAK NG ITC AT OAP

LUBOS na ikinalulugod ng mga delegado mula sa hanay ng International Trade Center (ITC) at Office for the Asia and the Pacific (OAP) ng agresibong pagsusulong ng reporma ng kawanihan sa ilalim ng bagong pamunuan.

Sa pagbisita kamakailan ng mga miyembro ng ITC at nina Xuejun Jiang at Camille Roy ng OAP, nagkaroon ng isang masiglang talakayan hinggil sa mga programa at bentaheng kalakip ng ARISE Plus Philippines – isang proyektong pinondohan ng mga bansang kasapi ng European Union (EU), batay na rin sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Economic Community Blueprint 2025.

Sa ilalim ng naturang proyekto, target palaguin ang ekonomiya ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa pamamagitan ng mga mekanismong nagsusulong ng pandaigdigang kalakalan.

Sinuklian naman ng taos-pusong pasasalamat ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang suporta ng ITC, OAP at ma­ging sa mga estadong nasa likod ng EU.

Pagtitiyak ni Ruiz, mas magiging agresibo ang pinamumunuang kawanihan sa apat na “priority areas of support” sa ilalim ng Output 4 ng nasabing proyekto kabilang ang Authorized Econo­mic Operator program, Integrated Risk Management system, e-Commerce, suporta sa Philippine Trade Facilitation Committee.

(JO CALIM)

9

Related posts

Leave a Comment