‘Di nakalusot sa BOC – NAIA P4-M ‘PAPER HAND TOWEL’ NABISTONG YOSI

0

HINDI nakalusot sa operatiba ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC – NAIA) ang P4 milyong halaga ng 2,520 reams ng sigarilyo mula sa tiwaling importer na nakabase sa Quezon City.

Ang nasabing produkto ay idineklarang “paper hand towel” na tinangkang ipuslit papuntang Australia nitong Hunyo 5, ngunit naharang at nakumpiska ng mga tauhan ng BOC – NAIA.

Batay sa ulat, ang shipment na patungo sa South Geelong Victoria, Australia ay kinomisyon para sa export ng kumpanyang nakabase sa Novaliches, Quezon City.

Sa isinagawang physical examination ng nakatalagang Trade Control Examiner, nadiskubreng naglalaman ng 2,520 reams ng Marlboro Lights ang export products.

Dahil dito, nag-isyu si BOC – NAIA District Collector Carmelita Talusan ng “Warrant of Seizure and Detection” (WSD) laban sa nasabat na mga sigarilyo sa paglabag dahil nilabag ng kumpanya nito ang Seksiyon 1400 (Misdeclaration) at Seksiyon 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) na may kaugnayan sa Seksiyon 117 (Regulated Importation and Exportation) ng Customs Modernization and Tariff Act, CMC No. 167-2020, Memorandum Circular No. 003 series of 2019 ng National Tobacco Administration at RMO 38-2003 ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ipinasa ang mga dokumento sa kaso sa Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) para sa case building and profiling laban sa mga personalidad na nasa likod ng ilegal na eksportasyon ng produktong tobako.

Tiniyak ng lderato ng BOC – NAIA na gagampanin nito nang buong sipag ang pagtugis sa mga negosyanteng napakahilig sa ilegal na pagnenegosyo alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero para mapigilan ang lahat ng ilegal na importasyon at eksportasyon ng “regulated, prohibited and restricted goods” na nakakaapekto sa ekonomiya, kaligtasan o kalusugan ng publiko.
(Joel O. Amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment