MALALAKING PORTS TINALO NG MALILIIT SA KOLEKSYON

MAYROONG malalaking ports sa labingpitong ports (collection districts) ng Bureau of Customs (BOC) na tinalo ng maliliit na ports ang kanilang kita, o koleksyon sa duties at taxes.

Base sa nakuhang datos para sa Marso, Abril at Mayo, anim sa 17 ports ang lumampas ang koleksiyon mula sa kanilang target para sa nasabing tatlong buwan.

Ito ay ang Port of Fernando sa La Union, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Surigao, Port of Davao at Port of Subic.

Pito naman ang nakadalawang buwan lang ang lagpas sa target ang kolekta.

Sila ang Port of Manila (POM) para sa Abril at Mayo, Manila Interna­tional Container Port (MICP) para sa Abril at Mayo, Port of Batangas noong Marso at Mayo, Port of Cagayan de Oro sa Marso at Mayo, Port of Zamboanga para sa Marso at Abril, Port of Clark noong Marso at Mayo at Port of Limay para sa Marso at Abril.

Apat naman ang isang beses lang ang lumagpas sa tudla ang nakolekta.

Ito ang Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa Marso, Port of Legaspi noong Mayo, Port of Cebu noong Marso at Port of Aparri para sa Abril.

Nagulat ang Castigador sa kita ng NAIA na tinalo ng Port of Tacloban sa nakolektang duties at taxes noong Marso, Abril at Mayo.

Ano kaya ang masasabi ni Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan?

Anyare sa Port of NAIA?

Tinalo pa kayo ng Port of Tacloban na isang pipitsuging airport Region 8, samantalang ang NAIA ay pangunahing paliparan ng bansa.

Ganun din ang Port of Cebu na isa sa pinakamalaking siyudad sa bansa na dinaig pa ng Port of San Fernando na kahanga-hangang lagpas sa target ang nakolekta mula Marso hanggang Mayo.

Maging ang POM, MICP at Port of Clark ay dinaig ng Port of Surigao.

Ang POM at MICP ay parehong matatagpuan sa Maynila, samantalang ang Port of Clark ay nasa Pampanga na kinalala ring malaking lalawigan, pero, pare-pareho silang tig-dalawang beses lang lumampas sa target ang koleksiyon sa loob ng tatlong buwan.

Ano kaya ang palusot nila?

Hindi puwedeng pala­ging ganyan na sa kabila ng pagiging malaking port nila ay minsan lang nakakalagpas sa target ang inyong buwanang koleksyon.

Ano kaya ang nararapat gawin sa inyo?

Balasahan ba ang gusto n’yo?

Abay, hindi pupuwede ‘yan!

Hindi kayo nahihiya sa mas malilit na puwerto kumpara sa inyo, ngunit nauungusan kayo pagda­ting sa koleksyon.

Kailangan pa man din ngayon ng pondo ng gobyerno, lalo pa’t kinakapos ng pera ang pamahalaan dahil sa Coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Kung tatamad-tamad kayong mangulekta ng buwis, saan kukuha ng pondo si Pangulong Rodrigo Duterte para sa tinatawag na “economic recovery”?

Dapat nga sa inyo ay maging masigasig nang todo sa pangongolekta dahil malaki ang pangangailangan ng gob­yerno sa pera.

Kung lagi na lang mangungutang ang Pilipinas sa World Bank, o sa iba lending constitutions sa ibang bansa, ay lalong maghihirap ang bayan ni Juan Dela Cruz.

Kinakailangan natin ngayon ng maraming doses ng COVID – 19 para magkaroon ng herd immunity ang mga Filipino.

Kung hindi ninyo aa­yusin ang pangongolekta n’yo ng duties at taxes, saan tayo kukuha ng pambili ng mga bakuna?

142

Related posts

Leave a Comment