FUEL IMPORTATION SA LEGAZPI SUMIPA

Ni JOSE OPERARIO

KUMBINSIDO ang pamunuan ng Port of Legazpi na Bureau of Customs (BOC) na hindi lang nila higit pa sa itinakdang buwanang target collection ang kanilang maitatala sa mga susunod na panahon matapos sumipa ang fuel importation sa nasabing distrito.

Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), ganap nang nag-umpisa kamakailan ang pagdaong ng produktong petrolyong lulan MV Peninsula XI sa Port of Pasacao na sakop ng lalawigan ng Camarines Sur.

Batay sa datos ng Port of Legazpi, mahigit 5 milyong litro ng petrolyong inangkat ng Jetti Petroleum Inc. ang idinaong ng naturang barko noong Mayo 8 ng kasalukuyang taon.

Gayunpaman, hindi pa pinahintulutan ng kawanihan ang pagbiyahe ng petrolyo sa oil depot ng Jetti. Paliwanag ng BOC, kailangan muna dumaan sa Fuel Marking Program ang imported na lanis alinsunod sa umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, pakay ng fuel marking program na puksain ang revenue leakages na dulot ng fuel smuggling.

“The new development is a proactive approach of the Port of Legazpi, which became an authorized port of discharge for gasoline, diesel and kerosene arriving in bulk,” saad sa isang bahagi ng pahayag ng kawanihan.

Naniniwala rin ang BOC na mas maraming kompanya ng langis ang ikokonsidera ang Port of Legazpi bilang daungan ng mga inaangkat na petrolyo.

90

Related posts

Leave a Comment