FUEL MARKING PROGRAM UMARANGKADA

FUEL MARKING SYSTEM

(Ni Joel O. Amongo)

Sinimulan na ng Department of Finance-Bureau of Customs (DOF-BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang  ‘first live marking’ ng petroleum products sa Seaoil Bulk Terminal sa Mabini, Batangas na bahagi ng implementasyon ng  Fuel Marking Program ng pamahalaan.

Isinagawa ito noong  Agosto 2, alin­sunod  na rin sa inisyung Joint Circular No. 001-2019 na naging epektibo matapos ang publikasyon sa pahayagan noong Hulyo 5.

Sa pamamagitan ng binuong Fuel Marking Task Force, anim na buwan ang paunang marking sa lahat ng petroleum products na makikita sa  domestic market kasama ang mga nakalagay sa storage tanks, depots at terminal facilities na dapat suriin bilang  pagsunod sa Fuel Marking Program.

Inaasahan naman na sa pagtuntong ng Pebrero 3, 2020, makukumpleto na ang pagmamarka sa lahat ng gasoline, diesel at kerosene.

Ang BOC at BIR personnel ay dapat sabay-sabay na magsimula ng kanilang Field Testing activities at magpataw ng multa  sa mga kompanya ng langis na napatunayang  hindi namarkahan o kaya’y hindi puro o nilabnawan na produkto ang petrolyo.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng 71, 378,672 liters of fuel na namarkahan sa Seaoil Mabini Terminal.

Susunod na rin sa isasailalim sa marking ang  Pure Petroleum Corp., Phoenix Petroleum Corp., Unioil Petroleum Philippines at sa buong network ng Chevron Philippines, Inc.

“The implementation of the Fuel Marking Program is a milestone for the Bureau of Customs as well as the Bureau of Internal Revenue and the Department of Finance, as we have painstakingly worked together to ensure the success of the Program. With the cooperation and support of partner agencies and stakeholders, we are ready to implement the Fuel Marking program and make it work,” ayon kay  Customs chief Rey Leonardo Guerrero.

127

Related posts

Leave a Comment