GABAY SA ‘REX SYSTEM’ IPINALABAS

REX SYSTEM

KAMAKAILAN, naglabas ng panuntunan at gabay ang Bureau of Customs kaugnay sa implementasyon ng Registered Exporters (REX) System na magpapatunay sa pinanggalingan ng kalakal.

Ang sistema ay ipinakilala ng European Union (EU) base sa kanilang kagustuhang pamamaraan sa negosyo o kalakalan.

Batay sa Customs Memorandum Order 50-2019 na ni­lagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero noong Nobyembre 26, sakop ng guidelines ang pagpapatupad ng REX kung saan kasama ang Rules of Origin.

Ang batayan ay inilatag sa EU Delegated Regulation No. 2015/2446 at EU Commission Implementing Regulation 2015/2447 ng Union Customs Code (EU Regulation No. 952/2013 gayunman, tanging ang BOC ang pwedeng magpatupad ng bagong sistema.

Kaugnay sa nasabing sistema, pinapayagan ang registered exporters na mag self-certify ng kagustuhang pinagmulan ng kalakal na tuparin ang Statement of Origin sa ilalim ng Generalized System of Preferences sa invoice o iba pang commercial document na tumutukoy sa exported products.

Ang registered expor­t­ers ay hindi na kailangan pa na mag-apply para is­yuhan ng certificate of origin sa bawat export.

Ang exporters ng Pilipinas ay maaaring magparehistro sa REX system hanggang Hunyo 30, 2020.

Inaasahang magi­ging malaking tulong sa kalakalan sa Pilipinas ang sistema kapag naipatupad ito.    (Joel O. Amongo)

254

Related posts

Leave a Comment