ISINUSULONG ni Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang paggawad ng mga gantimpala sa mga opisyal at empleyado ng customs na makaaabot sa kani-kanilang collection targets, habang papatawan naman ng parusa ang mga mabibigo.
Layunin ni Rubio sa pagsusulong ng pagkakaloob ng gantimpala ang tumaas ang morale at kapakanan ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC).
Itinulak ni Rubio ang mabilis na proseso sa lahat ng mga kinakailangan (prerequisites) na may kaugnayan sa ‘customs application for rewards for the agency’s 2018 revenue collection performance’ sa ilalim ng Republic Act No. 9335 o mas kilala bilang Attrition Act of 2005.
Ang Revenue Performance Evaluation Board (RPEB) ay itinatag sa ilalim ng RA 9335, binubuo ng Secretary of Finance bilang chairperson, Secretaries of Budget and Management, at National Economic and Development Authority, bilang voting members.
Sa kabilang banda, ang mga kinatawan mula sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue (BİR), ay magsisilbi bilang non-voting members.
Matapos makumpleto ang lahat ng mga kinakailangan para sa aplikasyon, nagsagawa ng pamamahagi at distribusyon ng rewards para sa 2018 revenue performance, noong Nobyembre 22, 2023, makaraang talakayin ng board ang BOC’s application.
Sa makabuluhang paglalakbay, ang RPEB ay paborableng nalutas ang mga suliranin upang aprubahan ang alokasyon at distribusyon ng gantimpala (rewards) at mga insintibo para sa karapat-dapat na BOC officials at employees.
Pinagtibay noong 2005, ang layunin ng Attrition Act ay upang i-optimize ang mga kakayahan sa pagkolekta ng bansa, na nagpapatupad ng mga batas sa pagbubuwis.
Hinihikayat ang mga opisyal at empleyado ng BIR at BOC na malagpasan ang itinalagang revenue targets sa kanila, sa pamamagitan ng rewards and incentives system, habang papatawan naman ng parusa ang mga hindi makaaabot sa kani-kanilang collection targets.
Ang implementasyon ng Attrition Act ay sumasalamin sa tunay na pagkilala sa masipag at dedikasyon ng public servants, at kasabay na nililinang ang kultura ng pagganyak sa mga empleyado ng BOC.
Ang motibasyon na ito ay mag-aambag naman sa pagsasakatuparan ng mandato ng ahensiya: revenue collection, trade facilitation, and border protection.
Binigyang-diin pa ni Commissioner Rubio, “Our commitment of recognizing and rewarding the dedication of our employees is a key element in fostering a culture of excellence within the Bureau.
Through incentives enshrined under the Attrition Act, we aim to motivate our team to consistently achieve and surpass their respective targets that ultimately redound to the benefit not only of our organization but as well as the entire country as a whole.”
(BOY ANACTA)
161