Garantiya ni Ruiz DROGA WALANG KAWALA SA PALIPARAN, PANTALAN

boc

ANG dati-rating paraiso ng mga sindikato, isa na ngayong sakit ng ulo, paglalarawan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay ng pagtitiyak na wala ng nakalulusot na droga sa mga pinangangasiwaang pantalan at mga paliparan.

Para kay Ruiz, mala­king bentahe ang matibay na pakikipag-ugnayan ng Bureau of Customs (BOC) sa mga katuwang na ahensya kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Hindi rin aniya papadaig ang mga reporma sa kawanihan at ang modernisasyon sa proseso at mga makabagong kagamitan.

Ayon kay Ruiz, problemado na ang mga sindikato sa likod ng pag-angkat ng droga at maging mga sangkap sa paggawa ng iba’t ibang klase ng ipinagbabawal na gamot na binebenta sa merkado bunsod na rin aniya sa agresibong kampanyang humantong sa dikit-dikit na tagumpay na operasyon.

Patunay aniya nito ang pinakahuling operasyon sa Ayala Alabang (Muntinlupa City) na humantong sa pagkumpiska ng hindi bababa sa P150 milyong halaga ng shabu at mga kemikal na gamit sa paggawa ng drogang mas kilala sa tawag na “bato”. Matapos ang matagumpay na pagsalakay sa Muntinlupa, nasundan pa ng tagumpay na anti-illegal drug ops sa Taguig City.

“The raid that was conducted in Alabang was against a kitchen-type. That goes to show that there is no longer importation, they are now afraid to import because of our serious campaign against illegal drugs,” ani Ruiz sa isang panayam (hindi sa PAHAYAGANG SAKSI) kamakailan.

Sa isinumiteng ulat sa Palasyo, lima katao – kabilang ang dalawang dayuhan – ang arestado sa operasyon kontra droga sa Muntinlupa.

“They are now producing locally-sourced chemicals and that is a positive development for us because that goes to show that they are having a hard time importing because of the initiatives that the BOC is doing right now,” pag-amin ni Ruiz na nagsilbing operatiba kontra droga sa mahabang panahon bago pa man itinalaga sa BOC.

Pagtitiyak ni Ruiz, mananagot sa kanya ang sinomang opisyal at kawaning mapapatunayan kasabwat ng mga sindikato sa likod ng kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Taong 2018 – kasagsagan ng madugong drug war ng administrasyong Duterte – nang sumambulat ang kontrobersiya hinggil sa pagpasok ng tinatayang P7-bilyong halaga ng shabu sa Port of Manila.

Garantiya ni Ruiz, nasa pinakamataas na antas ng seguridad ang mga pantalan at paliparan kung saan nakaantabay ang mga operatiba ng kawanihan kasama ang iba pang katuwang na ahensya, laban sa anomang tangkang pagpuslit ng droga at iba pang iligal na kontrabando.

Para kay Ruiz, ang mga sunod-sunod na matagumpay na operasyon kontra droga ay patunay na mas mabisa ang giyera kung ang mga ahensya ng pamahalaan ay sama-sama.
“I’m very proud to say that all our collection offices are very active in interdicting these shipments,” aniya pa.

Sa nakalipas na apat at kalahating buwan, nakapagtala na ang BOC ng P12-bilyong halaga ng kumpiskadong ipinagbabawal na gamot, sangkap at iba pang gamit sa paggawa ng droga – kabilang ang shabu, ecstasy, damo, liquid marijuana at ketamine. (ANGEL F. JOSE)

28

Related posts

Leave a Comment