IMPORTED OMAD BISTADO SA CLARK

SA tulong ng mga makabagong X-ray scanners at trace detectors, bulilyaso ang modus puslit-omad ng isang sindikato matapos mabuking ang halos P1.7-milyong halaga ng high-grade marijuana sa Port of Clark sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nabisto ang imported na damong ikinubli sa loob ng isang unan na bahagi ng bagaheng idineklara bilang gamit sa pagluluto.

Sa imbentaryo, tumimbang ng higit pa sa isang kilo ang Kush marijuana na agad isinailalim ng pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaharap ang mga kinatawan mula sa mga katuwang na ahensya. Ang resulta – positibo.

“Initially tagged as suspicious by the X-Ray Inspection Project (XIP) personnel, the shipment, which was declared to contain cooking articles illegible, was subjected to K9 sniffing by the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 Unit. The K9 Unit gave positive indications for the presence of dangerous drugs,” saad sa isang bahagi ng kalatas ng kawanihan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa hangaring matukoy at madakip ang drug smuggler.

(BOY ANACTA)

247

Related posts

Leave a Comment