(Ni JOEL O. AMONGO)
MAS magiging mahigpit na ang Bureau of Customs (BOC) sa kanilang operasyon pagpasok ng taong 2020 upang matigil ang ‘graft and corruption’ sa Aduana.
Ito ang ginawang paniniyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kanyang mensahe noong Kapaskuhan kasabay nang pasasalamat sa kooperasyon at pakikiisa ng lahat sa taong 2019.
“Dahil sa pagtutulungan ng bawat isa sa kagawaran ay naipatupad ang bagong sistema at mas napadali ang proseso sa pagkakaroon ng ngipin sa mga hakbang para matigil ang graft and corruption,” ayon kay Guerrero.
“Nag-level up ang ating tanggapan sa usapin ng service delivery, intelligence gathering at over operations optimization,” dagdag pa ng commissioner.
Kasabay nito, inihayag ni Guerrero ang kanyang ‘10-point priority program’ sa BOC na naglalayong mabalangkas at mabigyan ng focus ang kanilang adhikain upang maging epektibo tungo sa pagiging world-class ang serbisyo.
“Let us enjoy the rewards of our hard work by spending time with family and loved ones this season. And may our celebrations also give us more reason to face 2020 with renewed vigor and stronger drive to serve and to succeed,” dagdag pa ni Guerrero.
204