(NI DONDON DINOY)
DIGOS CITY—Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdoble ng sweldo sa mga pulis at sundalo dahil sa ilang mga rason.
Ayon kay Duterte, sa dinaluhang ika-60 taong founding anniversary ng kanyang Alma Mater sa sekondarya na Cor Jesu College noong Disyembre 30, nakatanggap siya ng mga reklamo tungol sa umento ng mga pulis at militar.
“I’ve been hearing a lot of complaints bakit ‘yong sa mga pulis doblado. Bakit sa maestra hindi pa. This country is a troubled land. I need soldiers and policemen, who are not afraid to die,” ani niya.
Dagdag ng Pangulo, nagsasakripisyo ang mga pulis at sundalo sa kanilang buhay sa panahon ng kanilang trabaho.
And when there is trouble I send them there and say fight and die if you must. Ang sundalo kasi ‘pag lumabas ng kampo, chances are, there’s an encounter, kung siya ‘yung casualty for the day, dalawa, tatlo. Tayo, lumabas ng bahay. Chances are we can go anywhere and go back all right. Iyong mga sundalo wala ‘yan,” ayon kay Duterte.
Ngunit hindi kasali sa kanyang pahayag kung ngayong taon epektibo ang pangako nitong umento sa mga guro.
“So kayo na lang ang mag-intindi. Kung may baha, sundalo. Kung may tornado, sundalo. Kung may earthquake, sundalo. Kung may — lahat na, may landslide, sundalo. Ang sundalo lahat trabaho na hindi kaya ng civilian, kanila ‘yan,” ayon sa Pangulo.
Ang entry-level ng mga public-school teachers, na may Salary Grade 11 sa ilalim ng Tranche 4 ng Salary Standardization Law, na tatanggap lamang ng buwanang sweldo na P20,754.
Nilinaw naman ni Duterte na prayoridad ng administrasyon ang kapakanan ng lahat ng mag-aaral.
“This administration’s foremost priority is to allocate the biggest part of our government’s budget to ensure that all Filipino students will receive quality and accessible education that would best meet the needs of our time,” ani niya.
279