KAMPANYA VS PLASTIC POLLUTION NG PORT OF SUBIC SINIMULAN

PORT OF SUBIC

(Ni BOY ANACTA)

PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic kasama ng iba’t ibang grupo ang kampanya laban sa plastic pollution noong Nobyembre 19 sa Mini Golf Course Area, CBD, Su­bic Bay Freeport Zone.

Ang BOC Port of Subic, sa pamumuno ni District Collector Maritess Martin, Customs Examiner Danny Torralba, Customs Appraiser Prauline Alipio, Collection Officer Fertony Marcelo at Mr. Emil Valentin ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Environmental Management Bureau-Department of Environment and Natural Resources (EMB-DENR), ABS-CBN Lingkod Kapa­milya Foundation, ay nagkaisa para sa temang “Beat Plastic Pollution”.

Sa kanyang paghahatid ng mensahe, sinabi ni Collector Martin, nagkaisa sila para maiwasan ang pagkalat ng plastic dahil nagdudulot ito ng polusyon.

Aniya, layunin ng kanilang aktibidad upang ipa­laganap ang pagkolekta at pagbili ng recyclable materials upang mabawasan ang plastic pollution sa mga karagatan sa pamamagitan ng pagbabawas ng basura mula sa single-use-plastic.

Ayon pa sa kanya, layunin din nito na palaga­napin ang kaalaman sa mga negosyo o establisimiyento at mga residente ang tamang pangangalaga ng mga nakalalasong basura at tamang pagtapon nito.

Inihalimbawa niya ang hazardous waste, na kinabibilangan ng pundidong fluorescent lamps/bulbs, gamit na langis, gamit na lead acid batteries, dyes, pigments, basyong cartrid­ges/toners, waste electrical at electronic equipment, na mapanganib sa kalusugan ng tao.

Kung kaya’t kinakailangang ang pagtatapon nito ay hindi lamang kung saan-saan dahil maaaring pagmulan ito ng pagkalason ng mga tao, hayop at maging sa mga pananim.

Kasama rin sa okasyon ang ‘Awarding Ceremony’ ng top 10 donors, paglulunsad ng EMB Refill Revolution at Trash for Rice, at oath-taking ceremony ng Organization of Asia Processing Industry Association of Subic.

140

Related posts

Leave a Comment