P1.076-B KINITA NG BOC SA DISPOSISYON NG OVERSTAYING CONTAINERS

Aabot ng mahigit sa isang bilyong piso (P1.076-B) ang kinita ng Bureau of Customs-Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG), Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) at ACD units ng lahat ng Collection Districts dahil sa ginawang disposisyon ng kabuuang 3,514 overstaying ­containers mula Enero hanggang ­Disyembre 2020.

Ang disposisyon ng lubhang matagal nang mga containers ay nagresulta para sa revenue generation na P1,076,588,805.44 mula sa public auction ng 1,898 containers ng ibat-ibang items tulad ng TV, Tiles, Plywood, maraming iba pa, at kondemnasyon ng 1,346 containers at donasyon ng natitirang 270 containers.

Ang kahulugan ng disposition activities ay may kaugnay sa ‘ease of doing business’ sa bureau, na ­nagresulta sa pagluluwag sa mga pwerto at yarda
Ang nasabing overstaying containers ay mula sa mga nakumpiska habang ang iba naman ay mga inabandong kalaka sa BOC.

Sa ilalim ng CMO 10-2020, ang overstaying cargoes para sa mahigit ng 30-araw mula sa date of discharge na hindi nakukuha sa loob ng ‘specified period of time’ ay lalagyan ng tag na abandonado at sa pinal ay sa ‘Decree of Abandonment, the Bureau shall then make the proper determination as to its disposition’.

Sa ilalim naman ng Section 1141 ng Customs ­Modernization and Tariff Act, ang kalakal na nabanggit ay hahantong na sa disposisyon na maaaring i-donate, at ­idedeklara bilang official use ng Bureau, o kaya idadaan sa pagbebenta sa public auction.

Habang ang mga kalakal na pwede para sa tirahan, o binubuo ng mga pagkain, mga damit o mga gamot ay ­maaaring ibigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
(Joel O. Amongo)

71

Related posts

Leave a Comment