(Ni Joel Amongo)
Muli na namang nakaiskor ang Bureau of Customs Port of Zamboanga, Zamboanga City makaraang masabat nila ang P1.2 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa karagatan ng nasabing siyudad kamakailan.
Ayon sa ulat, noong nakaraang Hulyo 10, ay nasabat ng mga operatiba ng BOC Enforcement and Security Service (BOC-ESS) at Customs Intelligene and Investigation Service (CIIS) na inasistihan ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng Naval Intelligence and Security Group – Western Mindanao at Phlippine Coast Guard (PCG) ang 2, 125 reams ng smuggled cigarettes na may katumbas na halagang P 1.2 milyon na dala ng 3 pampasaherong barkong may pangalang MV Mama Mia, MV Mary Joy 1 at MV Asians Stars mula sa Jolo, Sulu.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Zamboanga District Collector Segundo Sigmundfreud Z. Barte sa tulong ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na naging dahilan ng pagkakasabat ng mahigit milyong pisong halaga ng smuggled cigarettes.
Bilang bahagi na rin ng pagtupad nila sa kautusan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
itinurn-over na sa BOC ang naturang kaegamento para sa issuance ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) dahil sa paglabag sa Executive Order No. 245, o ang Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products and Section 117 of RA 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Agad sisirain ang mga sigarilyo bilang bahagi ng pre-condemnation procedure dahil na rin sa kakulangan ng mga tauhan ang Port of Zamboanga at kawalan din umanong storage area na maaaring pagtambakan nito.
Matatandaan mula Abril hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan ay mahigit na sa P60 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang matagumpay na nakumpiska ng BOC officers at mga operatiba ng nasabing pwerto.
147