P130-M FAKE ITEMS NADISKUBRE SA PASAY

FAKE-2

MULI na namang dumagsa ang smuggled items sa bansa partikular nitong pagsapit ng ‘ber months’ na nagsimula noong Set­yembre.

Ang mga operatiba ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOCCIIS), na kinabibilangan ng customs personnel ng BOC-Intellectual Property Rights Division (IPRD), kasama ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force NCR-CL, ay muling nakadiskubre ng aabot sa P130 milyong halaga ng fake items noong Oktubre 25, 2019.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng kilalang brands katulad ng Jordan, Crocs, Fitflop, Nike, Fila, Adidas, Havianas, Disney, Aven­gers, Barbie, Sofia the First, Coastar, AND1, at Little Pony na nakalagak sa isang warehouse sa Pasay City.

Nag-ugat ang nasabing operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang BOC-Intelligence Group mula sa isang impormante nitong Oktubre 24.

Matatandaang ka­makailan ay may nauna ring nasabat ang Customs na mga gulay na pinaniniwalaang nakalaan ngayong Kapaskuhan.

Nitong Oktubre 30 ay nakasabat na naman ang Port of Manila (POM) ng meat products na nagkakahalaga ng P3.5 milyon.

Ang shipment na naka-consign sa JRA & Pearl Enterprises, ay idinekla­rang food enhancers (seasoning) at tomato paste na may kabuuang deklaradong duties and taxes na P337.264.

Ang mga port at iba pang meat products na misdeclared ay nanggaling umano sa bansang China na napaulat na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Kaugnay nito, ang Customs ay patuloy na naghihigpit sa pagbabantay sa mga hangganan ng bansa para maiwasan ang pagpasok ng mga ilegal na kargamento at para sa paglalayong makakolekta ng malaking buwis ang nasabing kawanihan. (Joel O. Amongo)

120

Related posts

Leave a Comment