Para mapadali ang proseso at kalakalan BAGONG “TRADENET” IPINAKILALA NG BOC

Para sa mas maging simple at mapadali ang kalakalan, ipinakilala ng Bureau of Customs – Management Information System and Technology Group (MISTG) sa tulong ng Department of Finance (DOF) ang tinaguriang “Tradenet” sa BOC Website.

Ang TradeNet portal or Tradenet.gov.ph sa Pilipinasaz ay isang paraan para sa pagpapadali ng kalakalan na maaaring magbigay ng ‘automated licensing, permit, clearance, at certification system mula sa ibat-ibang regulatory agencies gamit ang isang internet-based platform’.

Sakop nito ang pagpapakilos ng Philippine National Single Window (PNSW) at gawin ang pagpapadali ng proseso ng kalakalan sa pagitan ng mga ahensiya ng gobyerno.

Ang portal ay nakadi­senyo bilang isang single-entry point na kung saan ang mga gumagamit nito ay magsusumite ng impormasyon at dokumento sa mga ahensiya ng gobyerno na sumunod sa import/export requirements.

Sa kabuuan 75 Regulatory Agencies (TRGAs) ang nakakonekta sa TradeNet System.

Magagamit ng registered users ang TradeNet portal sa pamamagitan ng paglalagay ng lahat ng impormasyon sa database ng lahat ng may kaugnayan sa impormasyon ng kalakalan mula sa listahan ng trade regulatory at pangangasiwa ng mga ahensiya ng gobyerno na tulad ng; ‘legislation, department orders and memorandum issuances; trade and tariff table with up-to-date tariff schedules and information; duty and tax calculator; list of regulated importable goods; and other trade-related information’.

Maliban sa publiko, ang pangunahing mga gumamit ng nasabing system ay ang importers, exporters, customs brokers, banks, shippers, forwarders, maging ang sektor ng gobyerno.

Matatandaan noong ­Nobyembre 5, 2020 ang Bureau of Customs sa pamamagitan ng Management Information System and Technology Group (MISTG), Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) and Public Information and Assistance Division (PIAD) ay nagsagawa ng Webinar kaugnay sa National Single Window sa tulong ng Department of Finance (DOF).

Ang BOC sa ilalim ng pagtangkilik ng Department of Finance ay patuloy na nagtutulungan sa mga ahensiya ng gobyerno sa pagtitiyak sa kadalian sa paggawa ng negosyo para sa ­transacting public sa pamamagitan ng pagpapakilala ng ‘paperless, seamless and streamlined trade transactions.’ JOEL O. AMONGO

147

Related posts

Leave a Comment