PINAS KAISA SA ASW; 3 PORTS GAGAWING PILOT AREA

BOC-PORT OF MANILA

TATLONG ports ng Bureau of Customs ang tatayong pilot ports makaraang pormal nang sumama sa live operations ng ASEAN Single Window (ASW) ang Pilipinas.

Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, ang BOC kasama ang tatlong port nito na tumatayong pilot ports – Port of Manila, Manila International Container Port at Ninoy Aquino International Airport – at Export Coordination Division (ECD) ang mag-iisyu ng electeonic Certificate of Origin (eCO) gamit ang national single window ng bansa.

Sinabi pa ni Beltran, ang pag-isyu ng eCOs ay alinsunod sa Customs Memorandum Order (CMO) No. 15-2019 na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero noong nakaraang Marso 2019 na ginawa ng Pilipinas kasama ang Malaysia at Indonesia.

Iginiit ni Beltran na magiging mas mababa ng 10 porsiyento ng gastos sa pakikipagtalastasan kapag gamit ang ASW.

Ipinaliwanag ni Beltran na encourages small enterprises to take advantage of preferential tariffs under ATIGA (ASEAN Trade in Goods Agreement)”.

Sa isinagawang meeting ng ASEAN Committee of the Whole noong nakaraang Enero 11 sa Hanoi, Vietnam iniulat ni Beltran na ang ASW Steering Committee ay may karagdagang tatlong dokumento na magpapalitan via platform, kasama na ang e-Phyto-Sanitary Certificate, e-Animal Health Certificate at ang e-ASEAN Customs Declaration Document (ACDD).

Ang National Single Window ng bansa ay makikita sa TRADENET.gov.ph. Jo Calim

467

Related posts

Leave a Comment