TINALAKAY ng Bureau of Customs-Port of Surigao sa kanilang meeting ang kanilang target collection para sa 2020.
Ang “set to come up with a rationalized and fair allocation of collection target” na ginawa sa Port of Surigao sa pangunguna ni District Collector Ciriaco D. Ugay ay naglalayong mas palakasin pa ang koleksyon ng kanilang tanggapan.
Sa kanilang talakayan, binigyang-diin ang ‘ports’ projected importation and economic situation’ na maging makabulahan ang kontribusyon sa bureau’s revenue collection efforts.
Matatandaang ang BOC-Surigao ay nakapagtala ng kanilang koleksyon para sa buwan ng Setyembre ng P3,210,000, na naging positibong sobra 23.18% o mahigit sa kalahating milyong piso.
Nasa ilalim ng BOC Port of Surigao ang subports sa Nasipit at Bislig na naging dahilan kaya nila nalampasan ang kanilang monthly target para sa buwan ng Setyembre.
Pinangunahan ni Ugay ang presentasyon ng commendation certificates na ibinigay sa kanyang mga tauhan na natamo ang parangal dahil na rin sa kanyang pamumuno at paggabay. (boy anacta)
110