NAGSAGAWA ng Executive Sessions ang Bureau of Customs (BOC) at ang ARISE Plus Philippines na naka-focus sa e-Commerce De Minimis Threshold and Taxation Regulations sa Makati Diamond Residences, Makati City kamakailan.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng pinalawig na suporta ng ARISE Plus Philippines, na ipinatupad ng International Trade Centre (ITC) bilang isang technical agency, sa BOC sa ilalim ng kanilang proyektong “Strengthened Trade Facilitation Capacity for implementing the CMTA and WTO Trade Facilitation Agreement (WTO TFA).”
Ang Customs officials, kasama ng mga kinatawan mula sa Philippine Trade Facilitation Committee (PTFC), National Telecommunications Commission (NTC), Optical Media Board (OMB), at Food and Drug Administration (FDA) ay nakakuha ng kaalaman base sa internasyonal na pinakamahusay na kasanayan.
Iginuhit nila ang mga konsepto, leksyon at mga karanasang ibinahagi ng Customs Administrations sa Indonesia, Australia, at ang European Commission, lahat ng ito ay epektibong ipinatupad at nangangasiwa sa daloy ‘e-Commerce goods, especially in the aspects of de minimis thresholds, taxation, and risk management.’
Si Deputy Commissioner Vener S. Baquiran, ang kumatawan kay BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, at ang PTFC, ang naghatid ng opening remarks. “The BOC continuously strives to develop and implement policies that strike a delicate balance between facilitating the smooth flow of goods and ensuring compliance with regulatory requirements. These efforts not only benefit businesses by reducing trade barriers and bolstering competitiveness, but also empower consumers with access to a diverse range of products from across the world”.
Sa PTFC naman ang kumatawan kay Chair Secretary Benjamin E. Diokno, ay si DOF OIC Undersecretary Dakila Elteen M. Napao, na binigyang-diin sa kanyang keynote address, “In an era where the e-Commerce landscape is rapidly evolving, it is imperative that we are well-versed in the intricacies of taxation to ensure that our policies align with the dynamic nature of the industry. Our goal is to effectively support the escalating trade volumes driven by e-commerce, ensuring our Customs officers and Trade Regulatory Government Agency partners are well-equipped to adapt to these emerging trends”.
Ang pangwakas na sesyon ay sumentro sa isang Write shop na nakatuon sa pagbalangkas ng Customs Administrative Order (CAO), pagtugon sa clearance at mga pamamaraan ng pagpapalabas para sa cross-border e-Commerce shipments.
Ang pagtutulungan ay sumasalamin sa pangako ng BOC sa pagsulong ng pagpapadali ng kalakalan, tinitiyak ang maayos na daloy sa boarders at umaayon sa mga internasyonal na pinakamahusay na kasanayan sa pagsulong sa priority program ni Commissioner Rubio patungo sa pag-streamline ng mga pamamaraan ng customs, nagbebenipisyo sa stakeholders sa global trade community.
(JO CALIM)
