Sa unang 6 buwan ng 2022 CUSTOMS HUMATAW KONTRA SMUGGLERS

ALINSUNOD sa polisiya ng bagong administrasyon sa kalakalan, kakaibang sigasig ang ipinamalas ng Bureau of Customs (BOC) sa kabi-kabilang operasyon kontra smuggling.

Sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon, sumipa sa 293 operasyon ang inilunsad ng mga kawani mula sa BOC Intelligence and Enforcement groups, kasama ang iba pang katuwang na ahensya ng gobyerno.

Sa datos ng ahensya, umabot na rin sa P8.37 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nasamsam ng kargamento – kabilang ang P5.23-bilyong halaga ng mga kalakal na pasok sa kategorya ng “counterfeit goods,” P1.67-bilyong halaga ng droga at P388-milyong halaga ng iba pang produktong taliwas sa deklaradong laman ng mga kargamento.
Ayon pa sa BOC, 44 sa 58 Letters of Authority na inilabas mula Enero hanggang Hunyo ang nagbigay ng positibong resultang hudyat sa mga pagsamsam ng mga kontrabando at paghahain ng karampatang asunto sa husgado.

Dagdag pa ang 78 alert orders kung saan 57 naman ang nagpositibo.

Sa kalatas ng kawanihan, tiniyak naman ng ahensyang walang pagtamlay sa pagtalima ng kanilang mandato – ang tiyaking nasa ayos at naaayon sa umiiral na batas at polisiya ng pamahalaan ang pumapasok at lumalabas na kargamento sa Pilipinas.

(JOEL AMONGO)

61

Related posts

Leave a Comment