SAN CARLOS CITY, PANGASINAN TODA BUO SUPORTA SA FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST

San Carlos City Mayor Julier “Ayoy” Resuello (kanan ni Brian Poe) todo ang suporta sa FPJ Panday Bayanihan Party-list.

SA paggunita ng ika-20 taong pagpanaw ni Fernando Poe Jr., naglabas at nilagdaan ang Manifesto ng Pagsuporta ng 86 presidente ng Tricycle Operator and Drivers Federation ng San Carlos City, Pangasinan.

Sa harap ni City Mayor Julier ‘Ayoy’ Resuello at ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Party-list na si Brian Poe, binasa ni Saturnino Sanchez, TODA Federation President ang pahayag ng suporta ng lahat ng TODA sa lungsod.

“Mahal namin si FPJ, saludo kami sa mga batas at programang naisulong ni Senator Grace Poe, dama namin ang kabutihan at karunungan ni Brian Poe, umaasa kaming magtutuloy ang mga pangarap at adbokasiya ni FPJ,” ani Sanchez.

Aniya pa, “mula sa aming kapamilya maging sa lahat ng aming mananakay, ibabahagi namin ang magandang hangarin ng FPJ Panday Bayanihan Partylist at nawa’y bitbitin at maipanalo sa Kongreso”.

Nanawagan din ang TODA Federation sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Pangasinan na suportahan ang FPJ Panday Bayanihan Partylist.

Ang malakas na suportang ito mula sa TODA sa Lungsod ng San Carlos ay nagpapahiwatig ng makabuluhang pagpapalakas para sa FPJ Panday Bayanihan Partylist, na posibleng makaimpluwensya sa resulta ng paparating na halalan.

Naitatala sa 45 na munisipalidad at tatlong lungsod ng Pangasinan, ang San Carlos City ang may pinakamalaking populasyon na binubuo ng 205,424 katao na tumutumbas ng 6.34 porsyento ng kabuuang populasyon ng probinsya. Ito rin ang pinakamataong lungsod sa buong Rehiyon ng Ilocos.

1

Related posts

Leave a Comment