UGNAYAN NG PORT OF CEBU AT STAKEHOLDERS, PINALAKAS

ATTY MENDOZA

Pinalakas ng Port of Cebu at stakeholders ang kanilang partnership para sa pagtupad ng kanilang ‘marching order’  at para sa ikagaganda ng nasabing pwerto.

Nitong nakaraang Hulyo 5, 2019 nakipagkita si Port of Cebu District Collector  Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa mga stakeholders, brokers, importers para sa  nagkakaisang hangaring  pagpapalakas ng kanilang ugnayan.

“My marching orders to the personnel of Port of Cebu are the same marching orders I received from Commissioner Guerrero. First, to never allow the Port of Cebu to be used as entry point of illegal drugs, second, to uphold integrity and third, to meet the Port’s collection target,” ayon kay District Col-lector Mendoza.

Dagdag pa ni Mendoza,    “The importance of the collective effort between the port and the stake-holders cannot be overemphasized. Kayo po ang buhay ng ahensyang ito. We can only hit our target with your help and support.”

Kasabay nito, nagbabala naman si Mendoza sa lahat nang dumalo ukol sa mga  magtatangkang guma­mit ng kanyang pangalan para sa business transaction at ilegal  na gawain tulad ng  pangongo-lekta ng pera.

“I will not allow or tolerate corruption in my office. I believe that in order to lead effectively, one must have moral ascendancy,” ayon kay Mendoza

Binanggit pa niya na hanggang sa kasalukuyan ay tinitingnan niya ang pangangailangan sa kanyang ba-gong trabaho sa tulong ng mga stakehol­ders at hardworking men and women ng Port of Cebu.

Matatandaang noong Hulyo 1, 2019 itinalaga ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero bilang ba-gong acting District Collector ng Port of Cebu si Mendoza.

Ang pagtalaga kay Mendoza ay sa pamamagitan ng Customs Personnel Order No. B-55-2019 na may petsang June 13, 2019.

Ang nasabing CPO ay nilagdaan ni Guerrero at inaprubahan ni Department of Finance Secretary Carlos Domiguez III noong 25 June 2019.

Si  Mendoza ay  bar top­notcher, nasa third noong 2004 Philippine Bar Examinations. (Joel O. Amongo)

160

Related posts

Leave a Comment