NAIA TINANGHAL BILANG ‘7TH FASTEST ASIA PACIFIC AIRPORT TO EXIT’

NAIA-8

Tinanghal ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  bilang  ‘7th Fastest Asia Pacific Airport to Exit’ kung ikukumpara sa ibang bansa.

Ito’y batay sa inilabas na survey ng Blacklane, isang global chauffeur at airport concierge service noong nakaraang Miyerkoles.

Lumitaw sa nasabing survey, na wala pang isang oras  ay nakalalabas na ang mga biyahero sa nasabing paliparan matapos na makuha nila ang kanilang mga bagahe, at sumailalim sa pagsusuri ng Customs at Immigration kasama na ang paglalakad hanggang sa sakayan.

Ayon sa Berlin-based company, ang mga pasahero ay kinakailangan lamang ng average na 37 minuto hanggang sa makalabas sa NAIA, kung kaya’t tinagurian itong 7th Fastest Airport sa region para sa international arrivals.

Pumangalawa naman ang Shanghai’s Pudong Airport na nakapagtala ng pinakamabilis na makalabas sa kanilang airport.

Sa Asia Pacific (APAC) region, ang paliparan ng China, Australia at India sa mga international travelers ay ang pinakamabilis na nakapupunta sa mga labasan partikular sa Shanghai at Macau na siyang nasa top 2 spot na may 22 minuto at 32.5 minuto lamang.

Sa flipside, napatunayan ng Blacklane na ang capital cities ay maituturing namang “majority of the lowest airport to exit in APAC for international travelers.”

“Tokyo has two of the 10, with Beijing, Colombo, Hanoi and Kuala Lumpur on the list. All of these take at least 46 minutes to exit,” dagdag pa ng kompanya.

Kabilang sa mga tinukoy na dahilan kaya mas maigsi o mabilis ang oras para makalabas sa mga pa­liparan ang mga pasahero ay ang maliit na eroplano at ang kanilang airport terminals.

Kaugnay nito, kinukonsidera naman ng airport employees ang bagong teknolohiya na e-gates para higit pang mapabilis ang paglabas ng mga biyahero.

Dahil dito, pinuri ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade ang Manila International Airport Authority (MIAA), sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Ed Monreal dahil sa naging achievement nito.

“I congratulate the MIAA for this achievement. This is evidence that the management of the country’s main gateway is geared toward enhancing the comfort and convenience of the air-riding public, as aspired for by no less than President Duterte himself,” ayon kay Tugade.   (Boy Anacta)

120

Related posts

Leave a Comment