LAGUNA – Isinara ang Casile Road sa Cabuyao City sa lalawigan noong Sabado, Pebrero 7 dahil sa matagal nang usapin sa pagmamay-ari ng lupa sa pagitan ng mga residente at isang korporasyon.
Ang biglaang pagsasara ay nagdulot ng matinding abala sa mga manggagawa, estudyante, at motorista na gumagamit nito bilang alternatibong ruta patungong Tagaytay.
Nagkaroon ng tensyon sa lugar nang magkasagupa ang dalawang grupo na humantong sa batuhan at mga putok ng baril sa kabila ng presensya ng mga awtoridad.
Giit ng mga residente, may hawak silang dokumento mula sa DAR bilang patunay sa kanilang karapatan sa lupa, habang pilit naman itong inaangkin ng pribadong kumpanya.
Labis ang pangamba ng publiko para sa kanilang kaligtasan matapos ang marahas na insidente at ang pagkasira ng mga barikada sa lugar.
Dahil dito, nanawagan ang mamamayan kay Governor Sol Aragones at sa lokal na pamahalaan ng Cabuyao na agad mamagitan upang maresolba ang sigalot at muling mabuksan ang kalsada.
(NILOU DEL CARMEN)
3
