Isinusulong ni Defensor para sa volunteer vaccinators P1K DAILY ALLOWANCE

HINILING ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs) na bigyan ng allowance na P1,000 kada araw ang volunteer vaccinators.

“It’s not enough compensation, but it could cover the volunteer’s transportation, snacks and lunch, and perhaps leave him with change good for two to three kilos of well-milled rice,” ani Defensor.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil marami sa mga volunteer nurse na tumutulong sa DOH at LGUs sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ay mga walang trabaho at naghihintay pa umano ang mga ito ng kanilang deployment sa ibang bansa.

Maging ang mga doctor-volunteer sa vaccination centers ay mga baguhan sa kanilang propesyon at wala pang kinikita kaya nararapat aniyang tulungan ang mga ito.

“Vaccination duty will be a source of income for those who are jobless or waiting for deployment, and an additional earning for young doctors, if they are given an allowance,” paliwanag ng mambabatas.

Maliit na bagay lang aniya ang P1,000 na allowance ng mga ito kada araw kumpara sa naitutulong ng mga ito para mailigtas ang mga tao sa nakamamatay na COVID-19.

Bukod dito, naniniwala ang mambabatas na kapag nagkaroon ng allowance ang mga volunteer vaccinator ay mas marami ang magboboluntaryong tumulong para mapabilis ang pagbabakuna sa mga tao.

“We need more volunteers to ramp up the rollout of vaccines, which has been slowed down by admissions of lapses or breaches of vaccination protocols, which could be attributed partly to the fact that many of our vaccinators are overworked,” ayon kay Defensor.

Iginiit din ng mambabatas na kailangang 8 oras lamang pagtrabahuhin, hindi lamang ang mga volunteer vaccinator kundi ang mga regular na empleyado ng DOH dahil kailangan din aniya ng mga ito na magpahinga. (BERNARD TAGUINOD)

169

Related posts

Leave a Comment