ISOLATION AT QUARANTINE FACILITIES DARAGDAGAN

BATID ng gobyerno ang pangangailangang magkaroon pa ng dagdag na mga isolation at quarantine facilities sa bansa sa gitna ng banta ng bagong UK variant ng corona virus.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan itong mapaghandaan lalo’t nakapasok na rin sa bansa ang nasabing virus na napakabilis umanong makapanghawa.

Posible aniyang muling magpasaklolo ang pamahalaan sa Department of Education (DepEd) sa harap ng posibilidad na gawing isolation at quarantine facilities ang ilang eskwelahan, lalo na at wala pa namang face-to-face classes.

Maliban dito, isa rin sa maaaring maging hakbang ang pagpapadami pa ng mga 2-star at 3-star hotels na gagawing quarantine facilities.

Ani Sec. Roque, marami pa kasing mga Pilipinong inaasahang darating sa bansa sa taong ito, lalo na ang mga nawalan ng trabaho sa abroad.

Sa ngayon ay nasa 60% pa naman aniya ang available na quarantine facilities. (CHRISTIAN DALE)

146

Related posts

Leave a Comment