INANUNSIYO ng Ibaraki Robots ng Japan B.League kahapon na pumayag na si Javi Gomez de Liaño na maglaro para sa kanilang team.
Sa tweet ng team ay sinabi nitong maglalaro na ang Pinoy cager sa 2021-2022 season ng liga.
“We are pleased to announce that Ibaraki Robots has reached an agreement with Javier Gomez de Liaño in the B.LEAGUE 2021-22 season.”
Mas nauna kay Javi na pumirma sa nasabing liga ang kanyang nakababatang kapatid at kapwa University of the Philippines product na si Juan Gomez de Liaño.
Sila ang ikalawang Pinoy brother duo sa B.League, kasunod nina Kiefer at Thirdy Ravena.
Ngunit hindi gaya sa Gomez de Liaño brothers, wala pang kasiguruhan kung kailan makapaglalaro sa Japan si Kiefer, na may existing contract sa PBA team na NLEX Road Warriors.
220
