JEEP KINABIG NG LASING TUMAGILID; 15 SUGATAN

SUGATAN ang 15 katao matapos tumagilid ang pampasaherong jeep na kanilang sinasakyan malapit sa Ruiloba Street at Mabini Bridge sa Sampaloc, Maynila, nitong Biyernes ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang lasing na pasahero ang sumakay sa tabi ng tsuper at bigla umanong hinawakan ang manibela, na naging sanhi ng pagtagilid ng jeep.

Agad namang rumesponde ang mga rescue team at dinala ang mga sugatan sa Philippine Orthopedic Center, Jose Reyes Memorial Hospital, at Ospital ng Sampaloc para sa karagdagang gamutan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang nasa kostudiya ng mga awtoridad ang lasing na pasahero.

(JOCELYN DOMENDEN)

3

Related posts

Leave a Comment