JOINT MARITIME STRIKE SA BALIKATAN 2026, SINAKSIHAN NI PBBM

SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malakihang joint maritime strike exercise sa ilalim ng Balikatan 41-2026 na dinaluhan ng libu-libong sundalo mula sa iba’t ibang allied countries.

Kasama ng Pangulo si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City kung saan pinanood ang coordinated maritime strike operations.

Ipinakita sa pagsasanay ang interoperability ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasama ang mga puwersa mula sa Estados Unidos, Japan, Australia, at iba pang kaalyado.

Kabilang sa tampok ang paggamit ng Typhon Mid-Range Capability missile system ng Estados Unidos, na may kakayahang tumama sa target na higit 600 kilometro ang layo.

Ipinakita rin ang pagpapaputok ng Type 88 surface-to-ship missile system ng Japan Self-Defense Forces, na tumama sa target na decommissioned Philippine Navy warship BRP Quezon.

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ipinakita ng pagsasanay ang mataas na antas ng koordinasyon at kakayahan ng mga pwersang militar.

“I’m very proud… it will only get larger in scope with more partners,” ani Teodoro.

Dagdag pa niya, patuloy na lalawak ang Balikatan exercises at mas marami pang bansa ang inaasahang makikilahok sa hinaharap.

(JESSE RUIZ)

184

Related posts

Leave a Comment