JOINT PATROL TALKS SA WPS PINABIBILISAN

KAILANGANG bilisan na ng Pilipinas ang pakikipag-usap para sa joint patrol sa mga kaalyadong bansa tulad ng United States (US) sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa patuloy na presensya ng China forces sa nasabing lugar.

Ginawa ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang panawagan matapos mapaulat na nakapaligid pa rin ang Chinese militia vessels sa Pag-asa Island at iba pang teritoryo ng Pilipinas sa WPS.

“We should talk to our allies and have joint border patrols already. The US, Japan, Australia and all our allies should help us do joint border patrols,” ayon sa mambabatas.

Bukod sa pananatili ng mahigit 40 Chinese militia vessel sa WPS ay nakatanggap ng radio message ang Philippine Coast Guard (PCG) na nagpatrulya sa WPS kasama ang ilang mamamahayag kamakailan kaugnay ng babala ng Chinese Coast Guard.

Bago ito ay tinutukan din ng Chinese Coast Guard ng military grade laser ang mga Pinoy Coast Guard na pansamantala nilang ikinabulag at labis na ikinabahala ng mga kaalyadong bansa.

Naniniwala ang mambabatas na aalis lamang ang Chinese forces sa WPS kung magkakaroon ng regular na patrolya ng Pilipinas at mga kaalyadong bansa sa nasabing lugar.

“We are hoping that our Coast Guard officials could put on the fast lane the ongoing separate talks with their counterparts in our ally-countries like the US and Japan on the proposed conduct of joint maritime patrols in the WPS where Chinese vessels have had non-stop intrusions and bellicose maneuvers,” dagdag pa ng mambabatas.

Kailangang gawin na aniya ito dahil hindi naniniwala ang mambabatas na gusto ng China ng kapayapaan sa WPS. Kung sinsero aniya ang mga ito ay dapat itigil na nila ang pag-deploy ng Chinese militia vessels sa ating territorial water. (BERNARD TAGUINOD)

355

Related posts

Leave a Comment