JS GAPAN 6-STAG DERBY LALARGA NA SA Q.C. SA OCT. 10-11!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

LALARGA na ang ina-abangang JS Gapan 6-Stag Derby sa Sta. Monica Cockpit Arena sa Quezon City sa susunod na linggo.

Magaganap ito sa ­Sarmiento St., Brgy. Sta. ­Monica, Novaliches sa QC.

Sa halagang P55,000 na pot money at minimum bet na P55,000, sisiklab ang derby sa Oktubre 10-11, 2022 (Lunes at Martes) sa nasabing arena.

Sang-ayon sa derby rules, tanging ang mga WPC local banded stag ang papayagang lumahok.

Daraan din sila sa ­matinding screening bago makasali.

Ang pagsusumite ng timbang at wingband ay ­ginagawa bago ang aktwal na derby mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang required weights naman ay mula 1,700-2, 200 kilograms.

Dapat ding bakunado, ­kabilang ang handlers ng mga manok na ilalaban.

Ang espesyal na event na ito ay handog sa inyo ng host na si Boss Jun Soriano.

Kung hindi ako nagkakamali, maaaring sumabak ang kahit na anong lahi.

Ngunit tandaan na bawal o hindi pasasalihin ang ­hennies, colored stag at vultures.

Sa pagkakaalam ko, malalaki at maaaksyong sultada ang matutunghayan ninyo sa programang ito.

Siyempre, iyan din ang ­sinasabi sa atin ng organizers.

Nariyan din ang malaking premyo para sa tatanghaling kampeon.

Kaya naman, sa pagkakataong ito, hindi na maaawat ang sabong nation.

Sa mga gusto namang sumali, aba’y huwag na kayong magdalawang-isip pa.

Isabak na ang inyong mga alaga sa JS Gapan 6-Stag Derby ni Boss Jun.

Alam n’yo kasi, next week pa ‘yung actual derby pero bumabaha na raw ang mga nagpadala ng kanilang intensyon na sumabak sa event.

Matinding paghahanda ang ginagawa ng ilang mga kalahok dito sa torneo dahil sa kampante at kumpiyansa sila sa bawat resulta ng laban.

Mabuhay kayo, mga bossing, at God bless po!

260

Related posts

Leave a Comment