JUDGE NABIKTIMA NG KAWATAN

LAGUNA – Maging ang isang judge ay hindi nakaligtas sa mga kawatan matapos sapilitang buksan at pagnakawan noong Mayo 27 sa Barangay Sto. Tomas, Biñan City.

Kinilala ni Biñan City Police chief, Lt. Col. Giovannie Martinez ang biktimang si Judge Dennis Rafa y Rusi ng Block 54, Lot 37, South City Homes ng nabanggit na lugar.

Base sa ulat ng huwes sa pulisya, noong Mayo 27, alas-4:00 ng hapon, bago siya bumalik sa lungsod ng Quezon nang maisipang dumaan muna sa kanyang tinitirhang apartment upang kunin ang kanyang maruming damit na dadalhin sa laundry shop.

Ngunit nadiskubre nito na sira ang doorknob ng pintuan na sapilitang binuksan ng mga kawatan.

Tumambad sa kanya ang nagkalat na mga gamit at nawawala ang kanyang mahalagang mga kagamitan tulad ng isang laptop, pitong relo, cellphone at wedding ring.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam pagkakakilanlan ng mga suspek. (CYRILL QUILO)

207

Related posts

Leave a Comment