JULY TARGET COLLECTION NG PORT OF SUBIC NALAGPASAN

PORT OF SUBIC

Positibong nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic ang kanilang target collection para sa buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan.

Sa kanilang inilabas na report noong Hulyo 23, 2019, bagama’t walong araw pa bago matapos ang nasabing buwan ay nalagpasan na nila ang kanilang target collection.

Nakapagtala ang Port of Subic ng kabuuang kolek­­syon na P1,993,013,456.96 na lumagpas ng P35,086,940.96 o 1.79% na mas mataas sa kanilang month of July target na P1,957,926,516.00.

Ang  BOC-Port of Subic ay apat na taon nang nakakalagpas ng kanilang monthly collection target para sa nasabing panahon.

Ang Port of Subic na matatagpuan sa bayan ng Subic, Zambales ay itinutu­ring na pintuan ng Pilipinas sa norte  para sa pakikipag­kalakalan sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Katabi lamang  nito ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na isa ring income generating office o nag-aambag ng malaking pondo sa gobyerno.

Kaugnay nito, inaasahan ng BOC-Port of Subic na sa mga susunod na buwan ay lalo pang tataas ang kanilang monthly collection target.   (Boy Anacta)

148

Related posts

Leave a Comment