‘KABIT’ NI MISTER SINUGOD, BINARIL NI MISIS

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang ginang at anak nito matapos umanong sugurin at barilin ang hinihinalang “kabit” ng kanyang mister sa bahay ng kapatid ng huli sa Gen. Trias City noong Sabado ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang biktimang si alyas “Julie”, nasa hustong edad, residente ng Parañaque City, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Kinilala naman ang mga suspek na si alyas “Imelda, nasa hustong edad, at anak nitong si alyas “Krishna”, 26, kapwa residente ng Bago Bantay, Quezon City, tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, bandang alas-10:30 ng umaga nang dumating si alyas “Ferdinand” kasama ang biktima na si “Julie” at anak nilang 5-anyos na babae, sa bahay ng kanyang kapatid na si alyas “Grace” sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite.

Ngunit pagsapit ng alas-2:30 ng hapon nang dumating naman ang legal na misis ni Ferdinand na si Imelda at anak nilang si Krishna.

Nang makaharap ni Imelda sina Ferdinand at Julie ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, bumunot ng baril si Imelda at ipinaputok kay Julie.

Namagitan si Ferdinand, inawat si Imelda at inilabas ito sa bahay ng kanyang kapatid bago dinala ang biktima sa ospital.

Samantala, mabilis namang tumakas si Imelda at anak nitong si Krishna.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung kaninong baril ang ginamit ng suspek sa pamamaril.

(SIGFRED ADSUARA)

138

Related posts

Leave a Comment