KASUNOD ng desisyon ng United Nations Commission on Narcotic Drugs (UN-CND) na alisin ang cannabis mula Schedule IV ng 1961 Single Convention on Narcotic Drugs (the “Convention”), ang Dangerous Drugs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nais na maliwanagan ang publiko hinggil sa limited implications nito sa ating drug control policies and actions.
Katulad ng nakaraang pahayag ng DDB, ang desisyon ay walang immediate impact sa punto ng drug control dahil ang gobyerno pa rin ang may hurisdiksiyon kaugnay sa pagklasipika at regulasyon ng cannabis, o kilala bilang marijuana, sa domestic level.
Bagama’t ang cannabis ay inalis na mula sa Schedule IV ng international drug control convention, nananatili ito bilang dangerous drug sa ilalim ng Schedule 1.
Nilimitahan ng Convention bilang eksklusibo lamang sa medical and scientific purposes ang production, manufacture, export, import, distribution, trade in, use, at posesyon ng Schedule 1 substances.
Ang pag-aalis nito mula sa Schedule IV ay nangangahulugang kinikilala ng UN-CND na ang cannabis ay may potensyal bilang lunas o may medicinal value.
Gayunman, ang medical preparations o ang produkto ng cannabis ay kailangan pa ring sumunod o kumuha ng regulatory control requirements mula sa PDEA, Food and Drug Administration (FDA) at iba pang government agencies.
Ang control measures at regulasyon sa medical use ng cannabis ay higit na kailangan para matiyak ang kaligtasan ng pasyente at maiwasang gamitin ito para sa recreational purposes.
At higit sa lahat, ang cannabis ay nananatiling dangerous drugs ayon sa nakasaad sa Republic Act No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagtatanim, posesyon, paggamit, pagbenta, administration, dispensation, delivery, distribution and transportation ng cannabis ay nanatiling may katapat na parusa ayon sa batas.
Sa pamamagitan ng klasipikasyong ito, umaasa ang DDB at PDEA na ang reclassification ng UN-CND ay hindi maghahatid ng maling mensahe sa publiko, lalo na sa mga kabataan, na ito ay ligtas at legal para sa recreational use.
Ito ay nananatiling regulated dahil ito ay highly addictive at may negatibong epekto sa kalusugan, social at legal consequences. (JOEL O. AMONGO)
