DALAWANG buwan na lang ang natitira bago sumapit ang May 9, 2022 national and local elections, kaya hindi na magkamayaw kung anong gagawin ng kampo ni Vice President Leni Robredo para makahabol siya sa napakalayong distansiya ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa kanya.
Lahat na yata ng paraan ay ginawa na nila para lang makahabol sila, pero wala pa ring epekto ang mga ito.
Tulad na lamang ng estratihiya ni Robredo sa interview sa kanya ni Boy Abunda kamakailan na kung saan ay tinanong siya na kung bakit hindi dapat iboto si BBM ay sinabi niyang ”Sinungaling” ang batang Marcos.
Ang buong akala ng Kakambing este… Kakampink pala, na ang kanilang estratihiya na paninira laban kay Marcos ay kakagatin ng taumbayan.
Maging ang ginawang paiyak-iyak na style ng artistang si Cherry Pie Picache sa proclamation rally ni Robredo sa Naga City, ay hindi rin kinagat ng taumbayan.
Nanawagan pa siya sa taumbayan na mangumbinsi sa mga Pilipino lalo na sa mga vlogger para kay Robredo, subalit nananatiling bingi ang mga Pilipino sa kanila dahil hindi nila gusto ang estratihiya ng Kakampink dahil halatang may galit at poot sila sa kanilang mga dibdib.
Sa halip ay nananatili ang simpatiya ng vloggers at sambayanang Pilipino kay BBM dahil nakita nila na bagama’t kaliwa’t kanan ang pagbato ng putik sa kanya ay nananatili siya sa kanyang panawagan na pagkakaisa.
Naniniwala kasi si BBM na ang susi ng kaunlaran ng inang bayan ay ang pagkakaisa lalo na’t nalugmok ito sa epekto ng COVID-19.
Kaya hayun, hataw sa survey si BBM at sigurado na hanggang sa araw ng eleksyon na ‘yan ay mataas ang tiwala ng taumbayan sa kanya.
Ops! teka, muna dumako naman tayo sa Cavite, may sinasabi kasi itong Cavite 7th District Congressman Boying Remulla kaugnay sa polical rally ng Kakambing este… Kakampink pala.
May namigay raw ng P500 bawat tao sa dumalo sa campaign rally sa General Trias, Cavite noong nakaraang Biyernes, Marso 4, 2022?
‘Yan ang sinabi ni Cong. Remulla sa DZRH program niya noong nakaraang Sabado.
“Sa siyudad ng Cavite, may politiko na nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend. Tapos may jeep, tapos meron silang staging area, may t-shirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme. Hinahakot eh.”
“Kagabi ginastusan nila ‘yun, siguro mahina-hina ‘yung mga anim hanggang walong milyon. Kasi nga desperado na. Kasi ang survey sa Cavite, 64-15”, ayon pa sa mambabatas.
Mauubusan lang kayo ng pera, hindi kayo pagkakatiwalaan ng taumbayan.
Matatandaan natin kamakailan ay nagsalita si Robredo na kung may mamimigay raw ng pera na politiko ay tanggapin lang at iboto ang gusto nila.
Ganun na nga ang mangyayari ngayon kahit mamigay kayo ng pera ay si BBM pa rin ang iboboto ng taumbayan.
Ang galing noh! Ang saya-saya!
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
