KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO
NAKATATANGGAP tayo ng sumbong kung paano nanalo ang isang contractor sa bidding ngunit natatalo sila dahil sa technicality.
Ano ba talaga ang basehan ng bidding? Sabi ng iba, lowest bidder wins. Sabi ng iba justified, paper wins. Mayroon naman na padrino or money talks win.
Natural na lowest bid wins, kaya bidding, eh, tama naman, pero minsan maraming nanalo. Pero at the end, ‘di nila nakuha ang project dahil nateknikal daw sila, sabi ng mga nag-post ng qualification?
Sabagay, sabi nga nila, ang ilong may butas, ang tenga may butas, ang karayom may butas. Ibig sabihin yata nu’n na kapag hinanapan ka ng butas ay wala ka nang kawala.
Marami na ring nagrereklamo tungkol dito, sa bandang huli ay natalo raw sila. Sabagay, planado na ang lahat, kaya wala ka talagang lusot. Ang panalo mo rito ay ‘table failure of bidding’ lang ang mangyayari.
Sa isang sumbong sa bidding, tataasan ng procurement ang ABC or approve budget for the contract. Let’s say, ilalagay nila ay P65 million pero ang DUPA (data unit price analysis ng project) ay P18 million lang.
Kung sasali ka sa bid, hindi ka magbaba ng higit sa 30%, pero ang kakampi na nasa loob, magbababa ng hanggang 50%, kasi alam nila ang gastos.
Paano ‘pag ikaw naman ang nagbaba ng 50%? Gagawin nila failure of bidding. Lahat sa kanila may butas, at puro pabor sa kanila.
‘Yan ang totoong nangyayari sa bidding, na sabi pa ng iba ay moro-moro lamang.
Kung sino ang gusto nilang papanalunin ay ‘yon ang mananalo. Minsan may grupo pa sila, ‘pag hindi ka pasok sa grupo nila, lagi kang talo.
Nariyan din ang bentahan ng BID DOCS, na kapag ayaw ka nila ay hindi ka nila bebentahan nito.
Ayon pa sa isang nakausap natin, lahat daw ‘yan bago ilagay sa Philippine Government Electronic Procurement System (PHILGEPS) ay mayroon nang taker na contractor, gagawin pa lang ang request, alam na kung sino ang nanalo. Sa bidding, ang nangingibabaw ay pera-pera, hindi na nasusunod ang naaayon sa tama o batas na may kaugnayan sa bidding.
oOo
Para sa mga suggestions at opinion, pls. contact cell# 0939-168-3316.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)