KALIWANG BRASO NI DIDAL REDI NA SA 2024 OLYMPICS

NAGPALAGAY si Margielyn Didal ng Olympic rings na tattoo sa kanyang kanang braso bilang alaala sa ­makasaysayang skateboard debut niya sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon.

Kaya marami ang humuhula na nirereserba niya ang kaliwang braso para sa 2024 Paris Games.

Sa una sa maraming ­qualifying meet sa Paris Olympics, nakapasok si Didal sa round of 32 skaters at kinalaunan ay tumapos sa ika-18 puwesto sa World Street Skateboard ­Championships sa Rome, Italy.

Ang Asian Games gold medalist ay nakatipon ng 37.95 puntos sa Open qualifier at nadagdagan pa ito tungo sa 43.79 puntos ngunit kinapos makapasok sa semis.

Gayunpaman, marami pang pagkakataon si Didal na ­mapataas ang puntos sa pagsabak sa mga Olympics ­qualifying tournaments bago ang Paris Games.

Nabigong mag-uwi ng medal­ya mula Tokyo si Didal, tumapos na 7th overall sa unang pagsabak niya sa quadrennial meet, kaya desidido siyang bumawi sa 2024 edition. (ANN ENCARNACION)

166

Related posts

Leave a Comment