Kambal na semis series sa PBA All Filipino tapos na?

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA

NAKAMIT na kaya ng San Miguel Beer at Talk ‘N Text ang kanilang minimithing upuan sa finals ng Philippine Cup sa ika-47 taong anibersaryo ng PBA, kauna-unahang liga propesyonal sa bansa?

O mapalawig pa ng Meralco at Magnolia ang best-of-seven semifinal series laban sa nangungunang dalawang koponan?

Ang Beermen at Tropang Giga ay kapwa may 3-2 panalo-talong bentahe na kontra Bolts at Hotshots, ayon sa pagkakabanggit, noong Biyernes. Nagawa ng mga bata ni SMB coach Leo Austria na

muling makabalikwas mula sa nakaraang pagkatalo sa Meralco. Kabaligtaran naman ang nangyari kay coach Chot Reyes at TNT boys na nabawian ng Magnolia sa Game 5.

Huling nagtuos ang SMB at TNT para sa kampeonato sa Commissioner’s Cup noon pang 2019. Kaya inaabangan kung mauulit ito ngayong 2022 Philippine Cup.

Wagi ang SMB, 89-78, sa Meralco ni coach Norman Black sa Game 5 at nangangailangan ng isa na lang panalo ang Beermen tungo sa finals. Samantala, pinakawalan ng TNT ang pagkakataong tapusin ang serye noong Biyernes nang mautakan ng Magnolia team ni coach Chito Victolero, 97-105.

Sa Araneta Coliseum, ang kauna-unahang air-conditioned arena sa bansa na pinasinayaan noong 1961, itinakda ang Game 6 ng best-of-seven semis. Depensa ang kapwa susi ng Bolts at Hotshots laban sa malalim na koponan ng Beermen at Tropang Giga.

Batay sa rekord, ang Beermen ang pinakamagaling sa opensa sa 12 koponang kalahok. Pero base sa nangyari noong Game 5, depensa ang naging susi sa tagumpay nila sa ­pangunguna ng guwardiyang si Jericho Cruz.

Kalimutan na ang 1-of-5 shooting ni Cruz noong Game 4 lost sa Meralco, ang importante ay ibinangon niya ang sarili sa sumunod na laban. “Hindi ako nakatulog pagkaraan ng game na yun. The whole season, I can say that was my worst game.”

Dagdag niya: “So, my mindset coming into this game (5) was just be me. Just play the game I’ve always played. I shouldn’t lose confidence. Our coaches are there to help us rise up again.”

Hindi si Cruz ang top scorer para sa Beermen noong Biyernes, ngunit nalimitahan niyang muli ang Meralco top shooter na si Allein Maliksi sa 9 puntos. “I really don’t think of my scoring, especially since we have a lot of guys on this team who can do the job. My mindset was just to stop those scoring for the other team, which is Maliksi. If I can stop him, we can limit their play on the other end, which is what happened tonight.”

At tulad ng Beermen, sinakal din ng Hotshots ang opensa ng Tropang Giga nang limitahan ito sa 31-of-19 shooting o 42.1 percent lang. Tinanghal na bayani sa game ang guwardiya rin, si Mark Barroca na namayagpag sa magkabilang bahagi ng court.

“We did a good job on defense,” ani coach Chito matapos ang Game 5. “We don’t need to change anything about it. We’re here because of our defense. Our mental toughness was there. We expected a grinding game on both ends of the floor. Credit to all of them, from Mark (Barroca) down to my 15th guy. We really worked for this.”

Anuman ang naging resulta ng laro kahapon, maaasahan natin ang mas kapanapanabik na mga laro sa best-of-seven finals ng PBA All-Filipino Cup.

196

Related posts

Leave a Comment