Kampanya laban sa kidnapping ng tropa ni Gen. Estomo, kinilala PNP-AKG PINARANGALAN NI PDUTERTE

TUMANGGAP ng parangal ang Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na kampanya laban sa kidnapping.

Sa idinaos na 119th Police Service Anniversary ng PNP sa Camp Crame, Quezon City noong Agosto 6, tinanggap ng PNP-AKG ang parangal sa pangunguna ng pinuno nitong si P/BGen. Jonnel C.
Estomo.

Sa pamamagitan ng live feed, nakiisa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagdiriwang at alas- 10:00 ng umaga sinimulan ang pagkakaloob ng parangal sa mga natatanging pulis at kanilang unit
sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp BGen. Rafael Crame.

Nakamit ng PNP-AKG ang Special Unit Award sa ilalim ng dynamic leadership ni P/BGen. Estomo. ito rin ay bunga ng pagsisikap ng PNP-AKG personnel at kanilang field units na masugpo ang mga kidnapper, tiwaling pulis, hard core criminals at drug personalities na lumilinya rin sa kidnapping activities.

Ang okasyon ay sinaksihan din ng AKG Command Group at iba pang key officers.

Ipinagdiriwang ang Police Service Anniversary bilang paggunita sa pagkakatatag ng Philippine Constabulary, ang first insular police force ng bansa, noong August 8, 1901. (JOEL C. AMONGO)

164

Related posts

Leave a Comment