Kampanya natabunan ng COVID-19 KASO NG HIV SA PINAS SASARGO – DEFENSOR

NAGBABALA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na posibleng sumargo pa ang bilang ng mga biktima ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa matapos maudlot ang kampanya laban dito dahil sa pandemya sa COVID-19.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing babala habang naghahanda ang buong mundo para sa paggunita sa World AIDS Day na isang kampanya para makontrol ang HIV-AID sa buong mundo.

“Our fight against AIDS has been set back by the COVID-19 crisis, leaving thousands of Filipinos living with HIV undiagnosed and untreated,” pahayag ni Defensor, vice chairman ng House health committee.

Base aniya sa National AIDS Registry statistics, nakapagtala lamang ng 934 bagong HIV case sa bansa mula Abril hanggang Hunyo 2020 na mas mababa ng 68% sa 2,938 na naitala sa kaparehong panahon noong 2019.

Mula Enero hanggang September ngayong taon aniya ay 5,627 ang bagong HIV cases na naitala o mas mababa ng 42% mula sa 9,749 sa kaparehong panahon noong 2019.

“There is only one reason for the big drop in newly reported HIV cases – fewer Filipinos who may be living with HIV are actually getting tested,” ayon sa mambabatas.

Bagama’t malaki ang ibinaba ng kaso ay nangangamba si Defensor na nangangahulugan ito na maraming Pilipino na may HIV ang hindi nakapagpa-check-up sa panahon ng pandemya sa COVID-19 na posibleng nakapanghawa pa dahil hindi nila alam na positibo sila sa nasabing sakit.

“Thus, we may have a larger number of undiagnosed and untreated individuals out there contributing to the spread of HIV, mainly through sexual contact, without them knowing it,” dagdag pa nito.

Bukod dito, bumaba rin aniya sa 57% ang sumasailalim sa antiretroviral therapy (ART) hanggang Setyembre ng taong ito dahil umaabot lamang sa 45,981 mula sa 80,434 HIV patients sa bansa habang 4,196 ang naiulat na namatay dahil sa nasabing sakit na wala pang natutuklasang gamot. (BERNARD TAGUINOD)

148

Related posts

Leave a Comment