KAPABAYAAN NG GRAB-MOVE IT SA SCREENING PROCESS ITINURONG UGAT NG MATAAS NA KASO NG AKSIDENTE

BINATIKOS ng isang grupo ang motorcycle taxi na Move It dahil sa kapabayaan nito sa screening process na nagresulta sa mataas na bilang ng aksidente.

Isinumite ni Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoys, sa hearing ng Senate Committee on Public Services ang affidavit ng ilang riders kung saan inamin nila na kinuha sila ng Move It nang hindi sumasailalim sa skills assessment at field training.

Ang Grab Philippines ang may-ari ng Move it.

“Move It po iyong pinasukan nila. In fact, nandito po iyong riders na kasamahan ng ibang nag-submit ng affidavit. Naglalakas-loob sila dahil alam nila na after ng hearing na ito, made-platform na sila sa Move It,” wika ni Gustilo.

Ibinigay rin ni Gustilo sa komite ang mga detalye ng mga aksidenteng kinasangkutan ng Move It dahil sa kawalan ng training ng mga rider nito, kasabay ng hiling na papanagutin ang kumpanya sa mga sakunang ito.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz, nagsimula na ang ahensiya sa imbestigasyon sa isyu at maglalabas ng desisyon anomang oras.

Samantala, inatasan ng LTFRB ang Move It na i-decommission ang 7,000 riders nito matapos mapatunayan ng LTFRB na guilty sa overboarding.

“We did conduct an investigation. There is an overboarding of roughly 7,000 units,” wika ni Guadiz.

“We will be asking Move It as soon as we serve the order to decommission the 7,000 riders,” dugtong pa niya.

Nangako naman ang kinatawan ng Move It na susunod sa LTFRB kapag natanggap na ang kopya ng kautusan.

10

Related posts

Leave a Comment