Pa-dinner ni LAM wala raw pulitika ‘SOSYALAN’ LANG SA MALACAÑANG

ITINANGGI ng mga senador na may kinalaman sa pulitika ang pag-iimbita ni Unang Ginang Liza Marcos para sa isang dinner sa Malacañang.

Base mismo sa post na ibinahagi sa Facebook ng Unang Ginang, nagkaroon sila ng dinner nitong Lunes, January 13 .

Dito ay nagkaroon din ng pagkakataong makapulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza ang ilang senador at kanilang mga asawa.

Ginanap ang dinner sa Bahay Pangulo na official residence ng First Family sa Malacañan Complex.

Ngunit wala sa nasabing dinner sina Bato Dela Rosa, Bong Go, Risa Hontiveros at mismong kapatid ng Pangulo na si Sen. Imee Marcos.

Nangyari ang dinner sa mismong araw ng pagdaraos ng National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“It was purely socials and part of the regular/seasonal gathering between the members of the Senate and the President,” ani Senate President Chiz Escudero sa pamamagitan ng Viber message.

Maging si Sen. JV Ejercito ay itinanggi na may naungkat na usaping pulitikal kundi “purely socials” lamang aniya ang kanilang naging pagsasama-sama.

“Not at all. Purely socials. We didn’t even discuss any political issue,” saad ni Sen. Ejercito.

Ganito rin ang naging tugon ni Sen. Koko Pimentel at iginiit na hindi naimpluwensyahan ng kahit na ano ang kanilang dinner night kasama ang mag-asawang Marcos.

69

Related posts

Leave a Comment